Sabado, Oktubre 19, 2013

"Pitong taong gulang ako nang sya ay lumisan."

 Isang magandang araw nang kami ay nag lakbay patungo sa kinaroroon ni Inay (Camiguin Island).Matagal ko na sya di nakita nang silay nagbakasyon ni Itay.

At sa wakas ay makikta ko na rin sya.Nang kami ay dumating sa isang lugar na napakaganda,napakasarap ng hangin,ni katiting ng polusyon di mo nakita.


Napakasaya ko ,sapagkat makikita ko narin si Inay.Pero bakit ganon ? Ako lang yata ang masaya ? Yung mga nakakatanda kong kapatid ay hindi ? Ako'y napaisip bigla at itoy bimabalewala...!


Naglakad kami patungo sa aming  bahay bakasyonan ,kung saan naroon si Inay at Itay.Habang kami ay palakad-lakad mga paa koy lumulokso-lukso dahil sa saya. 


Nang kami ay dumating,nagdududa ako sa nakita ko.Si Itay ay malungkot di ko maipaliwanag ang kanyang mukha at ang mga kapatid ko ay nag-iyakan ,habang tumitingin sa isang kwarto na walang saya.


Ito'y ay sinilip ko at nabigla ako,di ko alam kung dapat ba ako masaya o malungkot sa nakita ko.Nakita ko si Inay natutulog at may luha na lumakad sa kanyang pisngi, habang hinahawakan ni kuya ang kamay ni Inay, bigla syang sumigaw ng "Inay..Inay gumising ka,gumising ka " .


Paulit-ulit nya tong sinisigaw,di ko alam kung ano ang dahilan.Tumingin ako sa paligid ko lahat silay nag iyakan ,at ako ay naiyak na rin, di ko maintindahan kung anong dahilan kung bakit silay nag iyakan.


Di ko alam,walang kumausap sa akin ni kapatid ko wala.Lumabas ako sa bahay at may lumapit sa akin na hindi ko  na kilala isa syang matandang babae na kamukha ni Inay ,sabi nya "kawawa ka bata ang bata bata mo pa para mawalan ng nanay"(umiiyak) .

Akoy napaisip at di ko naintindihan ang kanyang sinabi .Nagtanong ako kung bakit ang daming umiiyak? ,sabi nya "Dahil di na sya magigising ,di na sya babalik".

Napaiyak ako bigla sa narinig ko, "Inay ko ? di na magigising ? di na babalik ? ..!."
Lumapit agad sa akin si Itay at bigla nyang sinabi na "Ay nako anak , wag kang maniniwala sa matandang yan.Natutulog lang ang nanay mo,gigising din sya maya-maya at sabay-sabay tayong kakain ".


Biglang tumigil ang patak ng luha sa mga mata ko.Dinala ako ni Itay sa may baybayin at naglakad-lakad kami,habang tinitingnan ang mga magandang tanawin.Bigla nya akong niyakap , at biglang tumulo ang luha nya .Pinunas ko ang mga luha at sabay tanong na "Tay? bat ka umiiyak?"(sabay lungkot sa aking mukha.)"Ah! wala to anak,masaya lang ako dahil nagkita nadin tayo." (gumingiti)


Bumalik kami sa bahay , maraming tao .Nandoon lahat ang mga kapatid ,pinsan , kaibigan , kakilala ni Inay . Yung iba umiinom ng kape, may magsusugal , may nakukwentohan.Yung mga ate't kuya ko nag iiyakan .At ako'y nakaupo sa isang sulok lamang.




Anim na taon na ang nakalipas ,syaka ko pa naintindihan ang lahat ,na  ang Inay pala ay patay na.Syaka ko pa nauunawan na ang patay pala ay kailan man di na gigising at di babalik.Ang masaklap pa ,di ko man lang sya nasabihan ng mahal kita o nabigyang bati na sulat.Di ko lubos maisip kung bakit napaaga nyang  lumisan.

Araw2x akong nag titis sa sakit ng aking nadarama ,isa itong napakalaking parusa na aking natanggap.Lahat ng may ina na nakikita ko ,itong dalawa kong mga mata ay nainggit.

"Kapag may meating sa school at kailangan pumunta ang ina, nasasaktan ako! Habang yung ibang mga anak na binabalewala ang mga kanilang ina,naiinis ako! ,hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo ganun parin ang aking pananaw."


Sa aking isipan ay nahihiyang sa panahong kaytagal na di namalayan,Aking nalimutan ang mga pangaral at pinaghirapan nang mahal kong Inay.Kan’yang inigatan sa sinapupunandi pa nasilayan ay kinasabikan,

Maaring hantungan di kinatakutan ang aking pagsilang maging kamatayan.
Hirap na tiniis ngayon aking batid, luha at hinagpis na di ko napahid.
Yakap na mahigpit nang kanyang pag-ibig,at tuwa niya’t galit ako’y nasasabik.



1 komento:

  1. Grammar - 20 pts
    Literary Devices (Setting, Characters, Plot, Symbolism, Point of View)
    - 50 pts
    Style of writing - 20 pts
    Timeliness - 10 pts
    total: 100


    Grammar - 16

    literary devices - 44

    style of writing - 17

    timeliness - 10


    total:87

    TumugonBurahin